(author’s note: this is an old poem i did for the horizon. i just found a copy of it in an old floppy lying somewhere in my room. enjoy!)
january 19, 2002.
mahigit isang taon na pala
nang huli kitang makita.
mahigit isang taon na rin kayo
ng boypren mo.
ano na ulit ang pangalan niya?
ah joel nga pala.
naging kaibigan ko rin naman siya,
tinulay ko pa nga siya noon.
kanino na nga yun?
ay kay mae nga pala.
nagustuhan ko rin ‘yun ‘no.
hehehe…
syempre naman,
eh mala-joyce jimenez ang beauty n’un.
di gaya mo,
sa sobrang payat,
nagtatago ka sa likod ng lapis.
di ba naging tayo rin
siguro para sa akin.
ewan ko lang sa’yo.
di ba muntik na rin tayong umabot ng isang taon.
oo, gaga, muntik na.
at pagkalipas ng kulang-kulang na isang taon,
naging kayo na ni…
ano na ulit pangalan ng boypren mo?
ah roel nga pala.
grabe, ako pa nga ang una mong pinagsabihang kayo na
wala ka talagang awa…
walang kahabag-habag…
di mo man lang naisip na…
baka mahal pa rin kita.
isang taon tayong magkakilala
isang taon tayong naging tayo
isang taon tayong nagtampuhan
isang taon kitang inisip
isang taon kang nagalit
isang taon kang naghanap ng iba
isang taon kitang hinanap-hanap
isang taon akong nagsisi
isang taon akong umiyak
isang taon akong umasa
sapagkat…
isang taon na kayo ng boypren mo,
at isang taon na rin akong nag-iisa at nangungulila sa’yo.
ano na nga ulit pangalan ng boypren mo?
ah noel nga pala.
january 20, 2002.
break na kayo ng boypren mo?
ano na ulit pangalan niya?
ah ewan.
beh buti nga.