hithit…
buga…
hithit pa…
at isama ang iyong kalul’wa…
malamig.
kelangang magpainit.
nag-hang utak ko.
kelangang i-restart ako.
hithit…
buga…
sinong kumuha?
kulang ako ng isa.
badtrip.
kelangang magpakalma.
lover’s quarrel.
kelangang paamuin ang demonyitang angel.
hithit…
buga…
teka muna.
pa-arbor naman ng isa.
busog.
ang sarap ng sisig.
gutom nanaman ang isip.
inip na’t gustong umidlip.
hithit…
buga…
tama na.
ubos na ang isang kaha.
ikaw.
ako.
tila mga yosi.
mga utak na walang sindi.
hithit…
buga…
teka muna.
bibili pa ako ng isa.
0 Responses to “Yosi Break”
Leave a Reply